Advertisers
NASA 2.7 milyong kabataan na edad ng 12 hanggang 17 taong gulang ang fully-vaccinated na laban sa COVID-19.
Sa Laging Handa public briefing nitong Huwebes, sinabi ni Department of Health (DOH) Undersecretary Myrna Cabotaje na tanging COVID-19 vaccines pa lamang rin ng Pfizer at Moderna ang may go-signal upang maiturok sa pediatric population.
“‘Yung ating rest of the pediatric population, may mga 62 percent na tayong nabakunahan ng kanilang first dose tapos mga 24 percent ang may fully vaccinated,” ayon kay Cabotaje.
“So, mga 2.7 million na ‘yung mga kabataan na nagkaroon ng dalawang doses ng Pfizer or Moderna para sa ating mga kabataan,” dagdag pa niya.
Una nang sinabi ng National Task Force Against COVID-19 na sa kanilang pagtaya, mayroong kabuuang 12.7 milyong kabataan ang kabilang sa naturang age group. (Andi Garcia)