Advertisers
SINABI ng Union Bank of the Philippines na natukoy na nila ang pagkakakilanlan ng anim na “person of interest” sa hacking incident kungsaan nakapaglipat ng pera ang mga salarin mula sa mga account ng ilang kliyente ng BDO Unibank Inc. patungo sa fictitious bank accounts sa UnionBank.
“We’ve already identified persons of interest and we’ve already filed the necessary information with the PNP and the NBI. We will be providing the necessary information to them as well as to the BSP,” ayon kay UnionBank Chief Technology and Operations Officer Henry Aguda sa virtual press briefing nitong Miyerkules. “It’s just a handful… there’s about six individuals, right now.”
Una rito, sinabi ng BSP na dalawa hanggang apat na tao ang nasa likod ng “Mark Nagoyo” account sa Union Bank na pinaglipatan ng nakuhang pera sa mga BDO account holder.
Sinasabing ipinambili ng cryptocurrencies ng mga salarin ang nakulimbat na pera.
“We are collaborating closely with BDO. In fact, we’ve started collaborating even over the weekend and we are pursuing the investigation of the fraudulent activities. We have already frozen the money in the identified accounts in Union Bank,” sabi ni Aguda.
“We are coordinating with our counterparts, with BDO on how to proceed with the frozen accounts,” patuloy niya.
Bumuo ng task force ang BSP para imbestigahan din ang insidente at makapagbigay sa kanilang ng rekomendasyon.
Sa imbestigasyon ng NBI-Cybercrime Division at mga eksperto ng BDO at Union Bank, mahigit sa P50 milyon ang nailipat na pera ng mga hacker mula sa mahigit 700 accounts sa BDO.
Inilipat ang pera sa 25 accounts sa Union Bank.
Gayunman, naharang ang malaking porsiyento ng pera bago pa mailabas ng mga hacker.
Ayon kay BSP Director Technology Risk and Innovation Supervision Department Melchor Plabasan, hindi empleyado ng BDO o Union Bank ang natunton na dalawa sa 4 suspek ng online scam.
Hindi pa pinangalanan ni Plabsan ang mga suspek.
Kasabay nito, ipinangako ng BDO na ibabalik sa mga customer ang nawalang pera ng mga ito.
Samantala, naglabas ng opisyal na pahayag ang BDO patungkol sa insidenteng “unauthorized online accessing” sa ilang bank accounts ng kanilang mga kliyente.
Halos 50,000 pesos ang halaga ng nakuha mula sa iba’t ibang accounts ng kanilang mga kliyente.
Hinihikayat ng BDO ang kanilang mga kliyente or acount holders na magpalit ng password para maiwasan ang katulad na insidente.