Advertisers

Advertisers

Bagyong Odette Signal #4 sa Dinagat, Surigao del Norte at Southern Leyte

0 504

Advertisers

ITINAAS sa signal number four (4) ang ilang bahagi ng Visayas at Mindanao dahil sa paglakas ng typhoon Odette.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 175 km silangan ng Surigao City, Surigao del Norte.

May lakas itong 185 kph at may pagbugsong 230 kph.



Kumikilos ito nang pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 25 kph.

Itinaas sa Signal No. 4 ang Southern Leyte, eastern portion ng Bohol, Dinagat Island, Surigao del Norte kasama na ang Siargao at Bucas Grande Islands.

Signal No. 3 naman sa Southern portion ng Leyte, southern at central portion ng Cebu, natitirang lugar sa Bohol, Negros Oriental, Siquijor, southern at central portions ng Negros Occidental, Guimaras, northern portion ng Agusan del Norte at northern portion ng Surigao del Sur.

Habang Signal No.2 Southern portion ng Albay, Sorsogon, Masbate kasama na ang Ticao at Burias Islands, Romblon, central at southern portion ng Oriental Mindoro, central at southern portion ng Occidental Mindoro, Palawan, Northern Samar, Eastern Samar, Samar, Biliran, nalalabing parte ng Leyte, natitirang lugar sa Cebu, nalalabing bahagi ng Negros Occidental, Iloilo, Capiz, Aklan, Antique, natitirang parte ng Surigao del Sur, Agusan del Sur, nalalabing lugar sa Agusan del Norte, extreme northern portion ng Zamboanga del Norte, extreme northern portion ng Zamboanga del Sur, Misamis Occidental, northern portion ng Lanao del Norte, Misamis Oriental, Camiguin, northern portion ng Bukidnon, northern portion ng Lanao del Sur

Nakataas naman sa Signal No. 1 Catanduanes, Camarines Norte, Camarines Sur, nalalabing bahagi ng Albay, Marinduque, southern portion ng Quezon, Batangas, nalalabing bahagi ng Oriental Mindoro, iba pang parte ng Occidental Mindoro, natitirang bahagi ng bahagi ng mainland Palawan, kasama na ang Balabac at Kalayaan Islands, northern portion ng Davao Oriental, northern portion ng Davao de Oro, northern portion ng Davao del Norte, nalalabing bahagi ng Bukidnon, natitirang lugar sa Lanao del Norte, nalalabing bahagi ng Lanao del Sur, nalalabing lugar sa northern portion ng Zamboanga del Norte, nalalabing bahagi ng northern portion ng Zamboanga del Sur at northern portion ng Zamboanga Sibugay.



Higit 45-K indibidwal lumikas dahil kay ‘Odette’
UMABOT sa 12,237 pamilya o mahigit 45,000 katao ang lumikas na dahil sa Bagyong Odette.

Ang mga lumikas na indibidwal ay mula sa Caraga at Eastern Visayas, na siyang higit na apektado nang pananalasa ng Bagyong Odette.

Dahil sa masamang lagay ng panahon, aabot sa halos 3,900 pasahero naman ang stranded sa Calabarzon, Bicol Region, Western Visayas, Eastern Visayas at Caraga.

Nabatid mula sa Pagasa na patuloy na lumalakas ang Bagyong Odette habang ito ay hindi pa nakakapag-landfall.

Kaya naman binabantayan nila ang posibilidad na magkaroon pa ng Storm Signal No. 4 sa ilang lugar malapit at sa immediate path ng Bagyong Odette.