Advertisers
NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng 289 na karagdagang kaso ng COVID-19 nitong Huwebes, Disyembre 16.
Samantala ay mayroon namang naitalang 380 na gumaling at 47 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 0.4% (10,095) ang aktibong kaso, 97.9% (2,776,425) na ang gumaling, at 1.78% (50,496) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, 4 mga laboratoryo ang hindi operational noong December 14, 2021 habang mayroong 3 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 7 labs na ito ay humigit kumulang 1.2% sa lahat ng samples na naitest at 1.3% sa lahat ng positibong mga indibidwal. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)