Advertisers

Advertisers

SK Federation ng Caloocan nagsagawa ng face to face workshop!

0 280

Advertisers

TALAGANG hindi na mapipigil pa mga Ka Usapang HAUZ ang pagbabalik sa normal na pamumuhay mula sa pagkakalugmok mula sa nakamamatay at kinatatakutang Covid-19 Pandemic sa buong bansa, alam po ba ninyo kung bakit?

Eto ang kasagutan mga Ka Usapang HAUZ, dahil naging matagumpay ang idinaos na ikalawang general assembly (GA) ng Sangguniang Kabataan Federation (SKF) ng Caloocan City nitong nakalipas na Linggo.

Bago nito, isang makabuluhang ‘training workshop’ din patungkol sa ‘Financial Transaction of the Sangguniang Kabataan’ ang idinaos sa Caloocan Sports Complex na dinaluhan ng 142 SK chairmen, budget officers at treasurers.



Umabot din ng halos 6 na oras ang tinagal ng nasabing workshop na ginanap dakong alas-8:00 ng umaga at natapos ganap na alas-2:00 ng hapon husay naman.

Umabot sa 156 SK chairmen ang dumalo sa general assembly dakong alas-3:00 ng tanghali na sinaksihan ni Director Marco Cabuenos ng DILG-Caloocan City.

Ang face to face training workshop mga Ka Usapang HAUZ ay bahagi ng limang araw na on-line seminar na inorganisa ng Commission on Audit ng lungsod.

Nanguna sa naturang seminar ang pamunuan ng COA-Caloocan sa pamumuno ni Ms. Leah C. Bernardino na nagbigay pasasalamat sa kooperasyong ipinakita ng buong SK Fed at mga SK officials.

Nagbigay pagpugay si DILG Director Cabuenos sa pamunuan SK Fed President Councilor Vince ‘ConVINCEd’ Hernandez.



“Ito ay pagpapakita ng kahandaan ng pamunuan na sagutin ang inyong katanungan, bigyang solusyon ang inyong suliranin at pakinggan ang inyong mga opinyon at mga bagay-bagay na sa tingin ninyo ay mas mapapaganda pa sa mga kabataan sa lungsod ng Caloocan. Ang kahandaang iyan ay pagpapakita ng isang transparent. Pagpapakita ng iiang matino, mahusay at maaasahang pamunuan,” Pahayag ni Cabuenos.

Para naman kay Hernandez, ang lahat ng papuri at pasasalamat ay para sa kanyang mga kapwa opisyal sa SK Fed, gayundin ang mga kapwa SK chairpersons.

Partikular na pinasalamatan ni Hernandez ang mga kasamahang opisyal sa SK Fed na sina Naomi Ocampo, EVP; Neil Narvasa, VP for Internal; Joselito ‘Santi’ Santiago, VP external; Secretary Czarina Castro; assistant secretary Christine Joy ‘CJ’ Hagos; Tresurer Reejee Rodel John Iligan, Jr.; assistant treasurer Daisy Calonia; Leslie Ann Yakit, auditor; PROs Luis Miguel Tolentino, Carl Patrick Menes, John Cris Ayon; Sgt. At arms Mark Anthony Lim at Mark Joven Suarez.

Binigyang pugay din ng SK Fed officers ang mga nag-present ng kanilang report sa F2F workshop partikular na sina Emman Christian Alpe, Alih Mae Dulce at mga opisyal na sina Iligan, Menes, Narvasa at Santiago.

Samantalang sinasaluduhan ni ConVINCEd ang kapwa SK chairpersons na nakigahagi sa kanilang GA.

Bukod sa isyu ng pagsusumite ng kanilang annual dues, Isa sa natalakay sa GA ang iba’t iba pang programa ng SKF para sa mga kabataan sa lungsod.

Nanawagan naman si Hernandez sa mga kasamahang SK officers na paigtingin lalo ang kampanya sa bakuna at tumulong na rin sa pag-coordinate hinggil sa nalalapit na face to face class sa Caloocan.

“Malaking tulong po tayo sa paghihikayat sa mga kabataang hindi pa rin nagpapabakuna at ang masinsinang koordinasyon natin sa mga eskuwelahan at magulang para maging ligtas ang nalalapit na pagbubukas ng face to face class sa Caloocan,” pahabol pa ni Hernandez.

***

Para sa inyong Puri at Puna maaaring mag email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com or mag Txt o tumawag sa 0935-2916036