Advertisers
SA harap ng nakaaalarmang pagkalat ng Omicron COVID-19 variant sa buong mundo, umapela si Senator Christopher “Bong” Go sa publiko na patuloy na doblehin ang pag-iingat laban sa virus.
Tiniyak ng senador na hindi rin tumitigil ang pamahalaan sa pag-aaral sa bagong strain kung paano ito masusugpo.
Idiniin ni Go ang kahalagahan pa rin ng bakuna kasabay ng hiling sa lahat ng eligible na kumpletuhin ang kanilang vaccine doses at booster shots.
“Hinihikayat ko ang lahat na magpabakuna lalo na’t bukas na ang programa sa general population. Nasa datos naman na kung sino ang positibo at grabe ‘yung sintomas ay kadalasan sila ‘yung mga hindi pa bakunado,” ipinunto ni Go sa kanyang video message sa relief efforts na isinagawa ng kanyang grupo sa Tangub at Ozamiz, Misamis Occidental simula December 12 hanggang December 15.
“Kaya ipakita natin ang malasakit sa ating mga frontliners at magpa-schedule na sa pinakamalapit ninyong vaccination site. Huwag kayong matakot sa bakuna dahil ito ang tanging solusyon para unti-unti na tayong makabalik sa ating normal na pamumuhay,” idinagdag niya.
Namahagi ng ayuda ang grupo ni Go sa may 6,006 residente ng Ozamiz City National High School gymnasium at Sinanduloy Cultural Center sa Tangub City.
Nagbigay din sila ng mga sapatos, bisikleta at computer tablets.
Ang mga kinatawan naman ng Department of Social Welfare and Development ay namahagi ng financial assistance, bilang bahagi ng government intervention measures sa mga indibidwal na nahaharap sa krisis.
Noong December 10 at 11, nasa 3,000 residente naman ang tinulungan ni Go sa bayan ng Calamba.