Advertisers
UMABOT na sa 43 milyong Pilipino ang fully vaccinated na laban sa COVID-19.
Ayon kay Acting presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na “as of December 16” ang bilang ng mga Pilipino na fully vaccinated laban sa COVID-19 ay umabot na sa 43 milyon na 55.78 porsyento ng target population at 56 mil-yon naman ang nakatanggap ng kanilang first dose.
Habang isang milyong Pilipino naman ang nakatanggap ng kanilang booster shot.
Ang second phase ng national vaccination drive ng pamahalaan na tinawag na “Bayanihan, Bakunahan 2”- na itinakda mula Disyembre 15 hanggang 17 para sa mga lugar na hindi apektado ng bagyong Odette, at Disyembre 19 hanggang 22 para sa mga apektadong lugar ay inaasahang makapagbabakuna ng pitong milyong vaccine doses.
Nauna rito, sinabi ng gobyerno na target nito na gawing fully vaccinated ang 54 milyong Pilipino laban sa COVID-19 bago matapos ang taon.
Inamin ni Nograles na marami pang dapat gawin na may kinalaman sa COVID-19 vaccination. (Vanz Fernandez)