Advertisers
SINUSPINDE ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang operasyon ng ilan nilang consular office dahil sa epekto nang pananalasa ng bagyong Odette nitong Biyernes.
Sa abiso ng DFA, suspendido ang operasyon sa Consular Office sa Tacloban; Butuan; DFA Consular Office and Temporary Off-site Passport Services (TOPS) sa Cebu; Bacolod; Cagayan de Oro; Iloilo; DFA Consular Office and Temporary Off-site Passport Services (TOPS) sa Davao; Clarin at Puerto Princesa.
Sabi ng DFA, kokontakin na lamang ng kanilang mga Consular Offices ang mga apektadong passport applicant para sa re-schedule ng kanilang appointment.
Gayunpaman, pinayuhan ng naturang kagawaran ang mga aplikante na mag-monitor sa kondisyon ng panahon.
Bukod dito inabisuhan din ang mga ito na sumunod sa mga pinatutupad na safety at precautionary order ng pamahalaang lokal na may kaugnayan sa bagyong Odette. (Lordeth B. Bonilla)