Advertisers
NAGSAMPA ng disqualification case sa Commission on Elections (Comelec) ang isang Presidential aspirant at hiniling na idiskwalipika ang mga kandidato na maagang nangampanya.
Personal na inihain ni Ninoy Defino ang disqualification case laban kina Presidential candidates Bongbong Marcos, Isko Moreno, Panfilo Lacson at Manny Pacquiao, at Vice Presidentiable Sara Duterte.
Ayon kay Defino, labag sa Comelec rules and guidelines ang maagang pangangampanya ng mga nabanggit na kandidato dahil sa Pebrero pa ang simula ng campaign period.
Giit pa ni Defino, dapat gamitin ng Comelec ang kamay na bakal upang sampolan ang mga kandidato na lumalabag sa election guidelines.
“Hinihiling ko sa Comelec na huwag magpagamit, at huwag hayaan na balewalain ng mga kandidato ang kanilang proseso. Ngayon pa lang dapat sila idiskwalipika dahil walang pahintulot ng Comelec ang ginawa nilang pangangampanya,” ani Defino.
Hindi rin umano ito patas para sa mga kandidato na walang pera upang tapatan ang maagang pangangampanya ng mga nabanggit na kandidato. (Jonah Mallari)