Advertisers

Advertisers

27 PATAY KAY ‘ODETTE’

0 249

Advertisers

Nasa 27 katao ang naiulat na nasawi sa paghambalos ng bagyong Odette sa maraming lugar sa Visayas at Mindanao.

Dalawanpu sa mga ito ang naitalang nasawi sa Metro Cebu .

Apat naman sa Western Visayas at ang unang nasawi na si Rosalyn Gustilo, 54 ng Jaro, Iloilo.



Si Gustilo namatay nang madaganan ng puno ang kanilang bahay.

Sunod naman na namatay ang mag-asawa mula sa Barangay Ravina Sur, Sibunag, Guimaras. Ang mag-asawa sina Virginia Palencia, 62; at ang mister naman nito ay si Rudolfo Castro, 76.

Una nang naitala ng Philippine Command Center, ang pagkamatay ng 14- anyos na batang lalaki ang namatay nang mabagsakan ng puno sa Brgy. Dao, San Fernando, Bukidnon, gayundin si Nestor Virtudazo Salvana, 55 ng Purok, Brgy. Mosangot, Binuagan, Misamis Oriental.

Sa Iloilo sinabi naman ni Mayor Jerry Trenas na isa ang naitalang nasawi.

Tinatayang nasa 198,417 evacuees naman ang inilikas iba’t-ibang local government units sa 8,000 mga evacuation centers bilang bahagi ng preemptive evacuation.



Nasa 152 lugar naman ang sinasabing binaha sa Eastern at Central Visayas at Northern Mindanao.

Napag-alaman na siyam na ulit na nag-landing ang bagyo na itinuturing na pinakamalakas na bagyo na tumama sa bansa sa taong ito.

Dahil sa lakas ng dalang hanging itinumba nito maging ang mga higanteng puno, kasama na ang mga imprastraktura at mga kabahayan sa maraming lugar.

Marami pang ring dako ang hanggang sa ngayon ay walang supply ng kuryente at tubig.

Malawak umano ang naging pagnanalasa ng bagyo, gayunman, inaalam pa ng mga kinauukulan kung magkanong halaga ang winasak nito.