Advertisers
UPANG mapabilis ang paghahatid at palitan ng mga produkto at serbisyong pakikinabangan ng taumbayan, mahalaga na ang susunod na administrasyon sa 2022 ay magtayo ng maraming impraestruktura, lalo na sa Western Visayas.
Kung siya ang mahahalal na pangulo, ipinangako ni Manila Mayor Francisco ‘IskoMoreno’ Domagoso ng Aksyon Demokratiko na agad niyang sisimulan ang pagtatayo ng Iloilo-Guimaras Bridge.
Sa proyekto, mapagdurugtong, una ang Panay na binubuo ng Aklan, Antique, Capiz at Iloilo; ikalawa ang Negros Occidental na binubuo ng Guimaras at Negros at ikatlo, ang buong Negros Oriental.
Inilahad ni Yorme Isko ang planong ito nang magbigay-galang sa pagbisita kay Iloilo City Mayor Jerry Treňas at sa iba pang opisyal ng pamahalaang lungsod.
“‘Yung Iloilo-Guimaras bridge mas malapit ‘yun. They could have started that sooner. Pero walang galaw. Kung sakaling manalo ka, ituloy mo ‘yun, ha? Kukulitin kita,” nakangiting sabi ni Treňas kay Yorme.
Oo, ang sagot ni Isko na sinabi, “May awa ang Diyos.”
Unang binalak itayo ang Panay-Guimaras-Negros (PNG) noong 2017 na may lawak na 32 kilometro na kung makukumpleto ay pinakamahabang tulad sa Western Visayas at isa sa pinakamahaba sa Pilipinas.
Sa mga pagdinig sa Senado, kinumpirma ng National Economic and Development Authority (NEDA) na mauumpisahan ang paggawa ng tulay na ito sa 2025 at makukumpleto sa 2030.
Ayon kay Yorme Isko, mahalaga sa pagsulong ng ekonomya ang ‘connectivity’ ng mga isla sa Visayas at Mindanao, at ang pagtatayo ng mga tulay, kalsada at iba pang impraestruktura ang prioridad ng kanyang gobyerno kung mananalong pangulo.
Sa administrasyong Moreno, pagdikit-dikitin ang Visayas.
“Hindi na lamang Luzon ang ating economic center. Visayas can be an economic center,” sabi ni Yorme Isko kay Trenas na kasama sa pagbisita sa Iloilo City ang mga kandidatong bise president, Dr. Willie Ong, mga kandidato sa Senado, Samira Gutoc, Dr. Carl Balita, at Jopet Sison.
Ayon kay Yorme Isko, magtatayo siya ng tulad ng Cebu-Cordova Link Expressway (CCLEx), isa sa mga proyekto na katuwang ng gobyerno si business tycoon Manny V. Pangilinan.
May habang 8.98 kilometro ang CCLEx na kunektado sa Isla ng Mactan, tuloy sa munisipalidad ng Cordova hanggang Mainland Cebu.
Ginastusan ito ng P30B na sinimulan Enero 8, 2018 at makukumpleto sa Marso 2022.
Kung siya ang pangulo, sinabi ni Yorme Isko na itutuloy niya ang Build, Build, Build program ng administrasyong Duterte, kasabay ang pagtatayo ng mga murang pabahay, de-kalidad na ospital, modernong paaralang publiko at iba pang serbisyo na magpapaginhawa sa pamilyang Pilipino.