Advertisers
HALOS 75 katao ang naiulat na nasawi sa pinakamalakas na bagyo na tumama sa Pilipinas ngayong taon, batay sa official tallies nitong Linggo, sa pagpapaigting ng pamamahagi ng tubig at mga pagkain sa mga nasalanta ng bagyo.
Mahigit 300,000 katao ang lumikas mula sa kani-kanilang mga tahanan sa pananalasa ng bagyong Odette (Rai) sa southern at central regions ng bansa.
Sanhi rin ng pagkawala ng komunikasyon at kuryente sa maraming lugar ang bagyo, na naminsala rin sa mga tahanan at nagdulot ng pagbaha.
Sinabi ni Arthur Yap, gobernador ng Bohol, sa kanyang opisyal na Facebook page na nakapag-ulat ang mga alkalde ng probinsya ng 49 pagkasawi sa kani-kanilang mga bayan.
Kabilang ito, aabot na sa 75 ang kabuuan ng mga nasawi, batay sa pinakabagong official figures.
Dagdag ni Yap, 10 pa ang nawawala sa isla habang 13 ang sugatan matapos hagupitin ng bagyo ang parteng ito ng bansa nitong Huwebes.
“Communications are still down. Only 21 mayors out of 48 have reached out to us,” ani Yap.
Libo-libo namang miyembro ng militar, pulisya, coast guard at fire department ang tumutulong sa search and rescue efforts sa mga pinaka-apektadong lugar sa bansa. (Mark Obleada)