Advertisers

Advertisers

LACSON-SOTTO, MAGALONG NAGKASUNDO: HACKING GIGIBAIN!

0 338

Advertisers

DAHIL sa lumalalang problema sa cybersecurity at hacking, binigyang-tuon ni Partido Reporma chairman at standard-bearer Panfilo “Ping” Lacson at running mate niya si Senate President Vicente Tito Sotto III, kasama ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang paghahanap ng solusyon sa isyung ito na nambibiktima lalo na sa overseas Filipino workers.

Inimbitahan sina Lacson at Sotto sa Summer Capital of the Philippines nitong Biyernes (Disyembre 17) para dumalo sa Youth Empowerment Forum ng Sangguniang Kabataan, matapos nito nakipagpulong ang dalawang batikang mambabatas sa alkalde kungsaan napag-usapan ang ‘smart city’ project ni Magalong.

Bumilib si Lacson sa programang ito ni Magalong lalo’t konektado ito sa layunin niyang magkaroon ng full digitalization para sa mga transaksyon ng pamahalaan na makatutulong para masugpo ang pangongotong at iba pang katiwalian sa gobyerno at mga isyu na may kaugnayan sa cybersecurity.



“If we fail to digitalize, then ang daming bureaucratic layers pati mga human intervention. ‘Yung inefficiency talagang mag-a-accumulate. But subukan nating ma-digitalize ‘yung ating lahat ng government processes,” pahayag ni Lacson.

Giniit ni Lacson na kinakailangan ng suporta ng pamahalaan para sa research at development na makakapagpabuti sa serbisyo ng gobyerno, mga bangko at iba pang negosyo. Gayunman, sa kabila aniya ng mga ipinasa nilang batas sa Senado at paglalaan ng pondo, hindi parin nakakamit ng mga Pilipino ang maayos na teknolohiya.

“Ang kalaban talaga dito corruption, ano. ‘Yung sa amin kasi, ‘pag na-solve natin ‘yung corruption sa government at least 50 percent of all our problems will be solved. Sinasadya e. We can fully digitalize our economy. Pati ‘yung business transactions, but they refuse, I don’t know why,” sabi ni Lacson.

Dahil narin sa pagpapalakas ng digitalization sa Baguio City, pinuri ng Lacson-Sotto tandem ang naging maayos na pamamalakad ni Magalong na isa ring retired police general. Para sa batikang mambabatas, ang ginagawa ng alkalde ay perpektong halimbawa ng isang magandang pamamahala.

“Good governance can only be made possible by good leadership and I’d like to emphasize without leadership by good example we can go nowhere, we will go nowhere as a nation,” ani Lacson.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">