Advertisers
TULUYAN nang ipagbabawal ang labor deployment sa Saudi Arabia.
Babala ito ni Labor Secretary Silvestre Bello III dahil sa patuloy na pagkaantala sa pag-areglo ng mahigit P5.1 bilyon na hindi pa nababayarang sweldo ng mahigit 11,000 overseas Filipino workers (OFWs) sa oil-rich kingdom.
Ayon kay Bello, na isang korte sa Saudi Arabia ang nagdesisyon pabor sa mga manggagawang Pilipino, na bigo umano ang employers na bayaran ang sweldo ng kanilang manggagawa sa loob ng dalawang taon.
Sinabi ni Bello, marami sa mga distressed OFW ang nagkasakit habang ang iba ay namatay na sa paghihintay ng kanilang kompensasyon mula sa kanilang mga amo sa Saudi.
Dagdag pa ni Bello, ang DOLE ay bukas sa pagtugon sa alalahanin ng Saudi’s Ministry of Labor kaugnay sa recruitment process ng OFWs.
Katunayan aniya, dalawang gobyerno ang bumuo ng kani-kanilang technical working groups upang resolbahin ang isyu na may kaugnayan sa paggawa.
Ngunit ayon kay Bello, kailangan munang bayaran ang nararapat para sa mga OFWs.