Advertisers

Advertisers

208 na patay kay ‘Odette’

0 591

Advertisers

PUMALO na sa 208 ang nasawi sa bagyong Odette, batay sa ulat ng Philippine National Police.

Partikular na galing ang mga nasawi sa Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, at CARAGA.

Nasa 239 indibidwal din ang nasugatan habang 52 pa ang nawawala.



Bineberipika pa ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang naturang datos.

Ayon sa NDRRMC, apektado ang nasa 1.8 milyong indibidwal ng bagyong Odette.

Sinabi ni NDRRMC spokesperson Mark Timbal na nasa 438,359 ang nananatili sa labas ng evacuation centers o kaya naman ay sa tahanan ng kanilang kaanak.

“Coming from our friend from DSWD, more than 1,805,000 persons po ang nabilang bilang affected ng bagyo na ito.” Pinakaapektado ng bagyo ang northeastern Mindanao, Western Visayas, Central Visayas, at Palawan.

Habang may kabuuan na 20,102 ang napinsala at 34,681 bahagyang napinsala.



Nilinaw din ni Timbal na bineberipika pa ng NDRRMC ang mga aksidenteng naitala. (Mark Obleada)

Maasin City nagmistulang ghost town kay Odette
NAGMISTULANG ghost town ang Maasin City matapos hagupitin ng bagyong Odette.
Ang Maasin City sa may Southern Leyte ay isa sa mga lugar na matinding hinagupit ng bagyo.

Ayon sa inisyal na datos ng Maasin, nasa 47,030 katao o 9,406 pamilya mula sa 70 barangay ang naapektuhan ng bagyo sa lugar.

Nasa 1,677 rin na mga kabahayan ang totally damaged, samantalang 2,182 ang partially damaged.

Nanawagan si Maasin Mayor Nacional Mercado para sa donasyong pagkain, tubig, hygiene kits, sleeping mats, tents at shelter repair materials para sa mga residente.

Ayon pa kay Mayor Mercado, nasa 75% parin ng mga kalye ang hindi parin madaanan at marami pang lugar ang hindi pa napapasok at makontak dahil wala paring signal.

P343-M pinsala sa agrikultura at imprastraktura ni ‘Odette’

PUMALO na sa kabuuang P343,454,774 halaga ng pinsala ang iniwan ng Bagyong Odette sa mga imprastraktura at agrikultura sa Visayas at Mindanao.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), sinira ng bagyo ang iba’t ibang pasilidad ng pamahalaan, mga flood control projects, kalsada, tulay at iba pang imprastraktura na nagkakahalaga ng P225,170,000 pati na rin ng iba’t ibang produktong pang-agrikultura na aabot naman sa P118,284,774.

Nasa 54,783 bahay ang totally o partially damaged, 41 kalsada at apat na tulay ang nakitaan ng pagkasira, apat na airports at 118 pantalan ang may damage habang 5,391.77 hectares ng taniman, at 15 livestock at poultries ang na-wipeout sa mga apektadong rehiyon.

Kabilang na rito ang Mimaropa (Region 4B), Western Visayas (Region 6), Central Visayas (Region 7), Eastern Visayas (Region 8), Northern Mindanao (Region 10), Davao (Region 11), Caraga (Region 13), at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Sa 227 lungsod at munisipalidad na nakaranas ng power interruption, tanging 21 lugar lamang ang mayroon na ulit kuryente.

Habang ang linya naman ng komunikasyon ay naibalik na sa 106 na lugar mula sa kabuuang 136 lugar na nakaranas ng signal interruption. (Josephine Patricio)