Advertisers
Nagmistulang ghost town ang Maasin City nang hagupitin ng bagyong Odette.
Ang Maasin City sa may Southern Leyte ay isa sa mga lugar na matinding hinagupit ng bagyo.
Ayon sa inisyal na datos ng Maasin, nasa 47,030 na katao o 9,406 na pamilya mula sa 70 barangay ang naapektuhan ng bagyong Odette sa lugar.
Nasa 1,677 rin na mga kabahayan ang totally damaged, samantalang 2,182 naman ang partially damaged.
Nanawagan si Maasin Mayor Nacional Mercado para donasyong pagkain, tubig, hygiene kits, sleeping mats, tents at shelter repair materials para sa mga residente.
Ayon pa kay Mayor Mercado, nasa 75% pa rin ng mga kalye ang hindi pa rin madaanan at marami pang lugar ang hindi pa rin napapasok at makontak dahil wala pa ring signal.