Advertisers
NAG-ALAY ng dasal si Pope Francis sa mga biktima ng pananalasa ng bagyong Odette sa bansa.
“I express my closeness to the population of the Philippines, struck by a strong typhoon that has caused many deaths and destroyed so many homes,” ang tweet ng Santo Papa.
Sinabi pa ng Santo Papa; “May the ‘Santo Niño’ bring consolation and hope to the families of those most affected.”
Inihayag pa nito sa kanyang Homiliya na nang mapanood niya mula sa Vatican City ang epekto ng nagdaang bagyo, naramdaman niya na dapat ay kapiling niya ang mga biktima.
Noong 2015 bumisita sa bansa si Pope Francis at nagselebra ng Banal na Misa kapiling ang mga nakaligtas sa pananalasa ng bagyong Yolanda.