Advertisers

Advertisers

375 na patay kay ‘Odette’ – PNP

0 206

Advertisers

Mula 211 nitong Lunes, umakyat na sa 375 ang naiulat na nasawi sa Visayas at Mindanao dahil sa pananalasa ni Bagyong Odette, ayon sa datos ng Philippine National Police (PNP)

Base sa datos ng PNP, narito ang bilang ng mga nasawi sa bawat lugar: Region 6 – 24; Region 7 – 170; Region 8 – 6; Region 9 – 1; Region 10 – 7; at Region 13 – 167

Mas mataas ito sa opisyal na datos ng nasawi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council’s (NDRRMC) na umaabot palang sa 58.



Sa kabilang banda, dagdag pa sa datos ng PNP, nasa 500 indibdiwal ang nasaktan sa bagyo kung saan 364 sa Region 7, 15 sa Region 8, tatlo sa Region 10 at 118 sa Region 13.

Nasa 56 indibidwal naman ang nawawala, kung saan 47 ang mula sa Region 7, isa sa Region 8, at walo sa Region 13.

Umabot naman sa 4,945 ang nasagip ng pulisya.

Nasa 99,568 indibidwal o 30,065 panilya ang nasa evacuation center.

Base pa sa datos ng pulisya na 3,164 lugar ang wala pamg kuryente, at 1,897 lugar ang wala pang signal.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">