Advertisers
Nahuli-cam ang bugbugan ng dalawang grupo ng kalalakihan sa isang resto bar sa Umingan, Pangasinan.
Sa ulat, nag-ugat ang gulo dahil sa pagkawala ng isang lalaki na nawalan ng P500.
Ayon sa report, ipinakita ang cellphone video na nagpupulasan ang ibang kostumer na ayaw madamay sa gulo.
Makikita rin ang ilang kalalakihan na nagsusuntukan sa loob ng resto bar kahit pa may mga umaawat na.
Rumesponde naman ang mga pulis sa lugar at napatigil ang gulo.
Sa imbestigasyon ng pulisya, lumalabas na isang lalaki ang nagwala dahil nawala raw ang P500 niya.
Nang hindi niya makita ang pera, nagbasag siya ng bote at tinamaan ng bubog ang isang grupo ng mga kalalakihan na nasa kabilang lamesa.
Parehong nagtamo ng mga sugat at mga pasa ang mga sangkot sa gulo na mula sa magkabilang grupo.
Nakatakda umanong maghaharap sa barangay hall sa Martes ang mga sangkot sa gulo.
Paalala naman ni Police Major Mark Tubadeza, hepe ng Umingan Police Station, huwag pairalin ang init ng ulo kapag nakainom.