Advertisers
APAT ang nasawi, 2 ay pulis, sa barilan sa Barangay Bialong, Mlang, North Cotabato, Martes ng hapon.
Kinilala ang mga nasawi na sina Jerson Papna, 35 anyos; kapatid na si John Kevin Papna, 26, kapwa negosyante at mga residente ng Purok 1 Barangay Bialong.
Patay rin ang dalawang pulis sa lungsod ng Kidapawan na may apelyidong Bada at Pido.
Ayon sa ulat, 5:30 ng hapon nang mangyari ang barilan sa JK Kambingan sa Purok 1, Barangay Bialong.
Ihahain ng mga pulis ang warrant of arrest na inisyu ni Regional Trial Court Branch 23 Judge Jose Tanalgo Tabosares ng Kidapawan City laban sa magkapatid nang maganap ang barilan.
Sa report, unang napatay si Jerson at nakaganti ang kanyang kapatid sa dalawang pulis kaya nasawi rin ito.
Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa pangyayari.