Advertisers
NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng 261 na karagdagang kaso ng COVID-19 nitong Miyerkules, Disyembre 22.
Samantala ay mayroon namang naitalang 395 na gumaling at 122 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 0.3% (9,238) ang aktibong kaso, 97.9% (2,777,630) na ang gumaling, at 1.79% (50,916) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, 2 mga laboratoryo ang hindi operational noong December 20, 2021 habang mayroong 12 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 14 labs na ito ay humigit kumulang 2.8% sa lahat ng samples na naitest at 2.3% sa lahat ng positibong mga indibidwal.
Pinapaalalahanan ang lahat na huwag maging kampante sa banta ng COVID-19. Bagkus, dapat natin ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards at laging magsuot ng face mask na may face shield, mag-physical distancing, at maghugas ng kamay. Agad rin na magpabakuna upang makakuha ng dagdag na proteksyon laban sa COVID-19. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)