Advertisers
PINAYUHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang publiko na ibalik ang pagsusuot ng face shield para proteksiyon sa banta ng Omicron variant ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sinabi ng Pangulo sa kanyang “Talk to the People” nitong Martes ng gabi, na kahit na binabatikos at pinagtatawanan ng ibang bansa ang paggamit ng face shield sa mga pampublikong lugar sa Pilipinas ay malaking tulong aniya ito upang maiwasan ang paglaganap ng virus.
“Continue using it I advise you. I really firmly believe that the wearing of face shield has contributed a lot,” ayon sa Pangulong Duterte.
“It might be not really a well-studied proposition but I would dare say that the shield will add another layer of protection,” giit pa ng Pangulong Duterte.
Matatandaan na tinanggal ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang paggamit ng face shield matapos ang tuluyang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa bansa. (Josephine Patricio/Vanz Fernandez)