Advertisers

Advertisers

Political instructor ng NPA timbog sa Zamboanga Norte

0 433

Advertisers

NAARESTO ng Criminal Investigation and Dectection Group (CIDG) an isang political instructor ng New People Army (NPA) sa operasyon sa Fatima Liloy, Zamboanga Del Norte.

Kinilala ang nadakip na si Romanito Sumasay alyas “Kumander Guzman”, 58 anyos.

Ayon kay PMajor General Albert Ignatius D Ferro, CIDG Director, isinagawa ang operasyon ng CIDG Zamboanga Del Sur base sa 3 warrant of arrest laban kay Sumasay sa Fatima Liloy.



Si Sumasay ay nagsisilbing political instructor ng NPA sa ilalim ng Kalaw Group na itinuturing na most wanted person sa Lakewood, Zamboanga del Sur.

Nahaharap si Sumasay sa kasong Multiple Frustrated Homicide sa sala ni Judge Felix R. Rodriguez ng RTC 9th Judicial Region, Branch 18, Pagadian City, Zamboanga Del Sur; paglabag sa P.D.1613 (Arson) sa sala rin ni Judge Rodriguez; at paglabag sa R.A. 11188 (Special Protection of Children in Armed Conflict) sa sala ni Judge Analyn Costanilla ng RTC 9th Judicial Region, Branch 30, Aurora, Zamboanga Del Sur.

Sinabi ni Ferro na base ang operasyon sa Oplan Pagtugis at Oplan Salikop na bahagi ng programa ng PNP laban sa mga wanted person at criminal group o sindikato. (Mark Obleada)