Advertisers

Advertisers

Bilang kinatawan

0 448

Advertisers

SA nagdaang dalawang linggo naging abala ang inyong lingkod sa pagrerepresenta bilang kinatawan ng pinaka-masisipag na miyembro ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte – sina Special Assistant to the President (SAP) Senador Bong Go at Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar.

Isang malaking karangalan ang pagtawag sa akin ng opisina ni SAP/Senator Go, dalawang linggo na ang nakaraan at sabihan ako na kung maaari ay ako na ang magrepresenta sa kanya sa isang malaking kaganapan sa Tacloban City.

Siyempre, bukod sa aking pagkabigla, ay agad kong pinaunlakan ang paki-usap ni SAP/Sen. Go, at agad akong tumalima. Kaya hayaan niyo naman ako na pasalamatan ang mga sumalubong at umasikaso sa aking pagdating sa Tacloban upang maging kinatawan ni SAP/ Sen. Go bilang Guest of Honor at Speaker sa 2nd Media Awards Night na pinangungunahan ng Eastern Visayas Media Without Borders.



Mabuhay! Maupay nga aga! Damu nga Salamat. Thank you rin sa Tacloban City Police sa pag-alalay sa akin at sa aking mga kasama. Congratulations na rin sa mga awardees at muli sa organizer na Easter Visayas Media Without Borders.

Sumunod naman dito ay ang maatasan tayo ni Secretary Andanar na irepresenta rin siya sa isang event para sa mga Indigenous People (IPs) sa Kalinga, Apayao.

Tunay na karangalan pa rin ang maatasan ng aking boss sa PCOO na maging kinatawan niya at aking pasasalamatan na rin ang mga taong naging abala sa aking pamamalagi sa kanilang pamayanan para sa nasabing kaganapan.

Thank you sa mainit na pag-salubong at pag-aatuga sa aming team, Gov. Ferdinand Tubban ng Kalinga at mga Board members na sina Fredrick U. Pangsiw, Lester Lee Tarnate, Brent Martinez; sa Kalinga PLGU, at Geraldine Gacuya ng City Information Office.

Salamat din kina PCPT. Ruff Manganip,IO KPPPO, Reggie Wagas, Tabuk City Vice Mayor Glee. Dao-as at Kalinga Police Provincial Office Director PCOL. Davey Limmong.



Sa dalawang event na ito, nadama ko ang mga init ng pagmamalasakit ng mga lingkod bayan sa magkalayong lalawigan. Naramdaman ko na buhay na buhay at dumadaloy pa rin sa kanila ang dugong Filipino, ang laging handang tumulong at ialay ang buhay sa paglilingkod sa kapwa at bayan.

Ito ang tanging katangian nating mga Filipino na hindi mo makikita sa anumang lahi dito sa mundong ibabaw.