Advertisers

Advertisers

Bong Go nagbigay ng ayuda sa solo parents, senior citizens at PWDs sa Davao City

0 405

Advertisers

HIGIT sa 500 solo parents, senior citizens at person with disabilities ang personal na dinalaw at inayudahan ni Senator Christopher “Bong” Go sa Barangay Vicente Hizon Sr. sa Davao City.

Sa kanyang mensahe sa nasabing distribution activity, tiniyak ni Go na patuloy ang Duterte administration sa pangakong ibibigay ang lahat ng suporta sa mga nangangailangan, lalo sa panahon ng krisis.

“Nakita natin ngayong panahon na talagang suwerte tayo dito sa Davao City… Nandidiyan pa ang COVID at mayroon pang bagyo. Kahapon galing kami sa Negros Occidental. Noong isang araw sa Siargao, Cebu at Bohol,” sabi ni Go.



“Nandito tayo sa krisis at magpa-Pasko na. Masaya lang ako dahil tumatawa kayo. Sana maging masaya ang ating Pasko at maging safe tayong lahat. Patuloy tayong magtulungan, magmalasakit at magbigayan. Basta nagkakaisa tayo, malalampasan din natin ang mga krisis na ito,” anang senador.

Isinagawa ang distribution activity sa solo parents, senior citizens at PWDs sa Fortune Executives Gym.



Pinuri ni Go ang sakripisyo ng solo parents, karamihan ay nawalan ng trabaho o nabawasan ang oras ng trabaho dahil sa pandemya.

Isinusulong ni Go ang pagpapasa ng panukala na mag-aamyenda sa Solo Parents’ Welfare Act of 2000 na layong mabigyan ng karagdagang suporta ang single-parent households.



“Hindi biro ang magpalaki ng anak ng solo lang tayo pero ang importante kasama natin sila, hindi ba? Mas masaya at masarap ito sa pakiramdam. Kaya kahit nasaan kayo sa Pilipinas, talagang tumutulong ako at sinasama ko ang mga solo parents,” ani Go.

“Tulungan niyo kami ni Pangulong Duterte. Alam ko nahirapan na kayo pero kailangan namin ang tulong ninyo, lalo na ng mga Dabawenyo. Tulungan niyo kami makamtan itong herd immunity kung saan hindi na kakalat itong sakit na COVID-19 para unti-unti na tayong makabalik sa normal natin na pamumuhay.”

“Huwag muna tayong magkumpiyansa. Sumunod kayo sa paalala ng gobyerno kung ayaw niyo maging-istrikto at magsara na naman ang ekonomiya,” ang apela niya.

Nauna rito, noong December 20 ay pinangunahan din ni Go ang distribusyon ng ayuda sa may 2,000 vulnerable residents, binubuo ng solo parents at fisherfolks sa Barangay Panacan.