Advertisers

Advertisers

‘YAMAN NI SARA DAPAT MASURI’

0 4

Advertisers

MARIING iginiit ni House prosecutor at Bicol Saro Rep. Terry Ridon na kailangang suriin ang pinagmulan ng naiulat na P88.5 milyong net worth ni Vice President Sara Duterte noong 2024 mula pa noong 2007, nang simulan nito ang serbisyo publiko.

Pahayag ni Ridon, hindi sapat na tingnan lamang ang mga rekord mula 2022 dahil mahalagang masubaybayan ang kabuuang kita, mga ari-arian, at mga utang na nakasaad sa kanyang Statements of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) mula 2007 hanggang 2024.

Sinabi rin ni Ridon na mahalaga ang mga rekord mula sa Bureau of Internal Revenue (BIR), Anti-Money Laundering Council (AMLC), at mga bank account upang maikumpara sa mga SALN ni Duterte at matukoy kung may mga ari-arian o deklarasyong hindi naiha-yag.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">