Advertisers
PAG-AARALAN muna ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kahilingan ng Estados Unidos na i-extradite si Pastor Apollo Quiboloy.
Sinabi ni PCO Usec. Claire Castro, nakausap niya ang Pangulo at sinabi nitong kailangan munang masusing pag-aralan ang usapin. Inaasahang magbibigay ang Malacañang ng anunsyo tungkol sa magiging desisyon sa mga susunod na linggo.
Ani Castro, may dalawang posibleng hakbang batay sa extradition treaty ng Pilipinas at U.S. Maaaring manatili si Quiboloy sa Pilipinas habang dinidinig ang kanyang kaso, o pansamantalang suspindehin ang kaso rito upang maipadala siya sa U.S. para harapin ang mga kaso doon.
Sinabi ng Palasyo na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang magpapasya sa susunod na hakbang kaugnay ng extradition ni Quiboloy.
Sa ngayon ilalatag ng Pangulo ang kanyang desisyon at inaasahang magsasalita siya tungkol dito sa mga susunod na linggo.
Dagdag ni Castro, kailangang dumaan muna sa tamang proseso at sundin ang umiiral na batas bago tuluyang magdesisyon ang Pangulo.