Advertisers

Advertisers

MAS MALAKING PUMP, IINILATAG SA MARIKINA — 3X MAS MABILIS ANG PAGTANGGAL NG BAHA!

0 3

Advertisers

Nag-deploy ang Pamahalaang Lungsod ng Marikina ng mas malalaking mobile booster flood pumps ngayong Lunes, Agosto 10 — na may tinatayang tatlong beses na mas malaking kapasidad kaysa sa mga nakasanayang kagamitan — upang mapabilis ang pag-alis ng tubig-baha sa Barangay Malanday at Barangay Tumana.



Ayon kay Mayor Maan Teodoro, layunin nitong pataasin ang dami ng tubig na nailalabas bawat oras at mas mabilis na mapatuyo ang mga apektadong lugar, lalo na’t naiulat na hindi gumagana ang Tumana Pumping Station noong nakaraang Linggo, Agosto 9 — na naging sanhi ng pagbaha sa Libis Bulelak, Malanday, at Creekside sa Tumana.

Agad na nakipag-ugnayan ang alkalde sa Department of Public Works and Highways (DPWH) upang ipaayos ang nasabing pasilidad. Ayon kay DPWH Secretary Vince Dizon, may teknisyan nang papunta sa lugar at magpapadala rin ang ahensya ng sariling mobile pump upang makatulong sa pagbawas ng tubig-baha.



Habang pumalo na sa 2,021 pamilya ang nasa evacuation center at nasa 11,000 indibidwal.

Sa talaan ng lungsod pinakamarami sa mga inilikas sa barangay Tumana, Malanday na ngayon sa mga nasa Malanday Elementary School, H. Bautista Elem. School at Nangka Elem School. (Edwin Moreno)