Advertisers

Advertisers

May kulong sina Padilla, Cayetano at Aplasca sa pagtakas kay Bato

0 8,102

Advertisers

PINASASAGOT ng Office of the Ombudsman sina Senador Robin Padilla, Sen. Alan Peter Cayetano at dating Senate Security Office chief retired Major General Mao Aplasca sa reklamong ‘Obstruction of Justice’ na isinampa ni “Kiko” Aquino-Dee ng grupong ‘Tindig Pilipinas’ kaugnay ng pagtakas kay Senador “Bato” Dela Rosa noong Hulyo 14 ng taon.

Binigyan ng Ombudsman ng hanggang Hunyo 3 sina Padilla, Cayetano at Aplasca para magsumite ng kanilang counter affidavit.

Ang kasong Obstruction of Justice, sa ilalim ng Presidential Decree No. 1829, ay may parusang pagkakulong mula apat hanggang anim na taon at multa na P1,000 hanggang P6,000.

Paano ba ang Obstruction of Justice?:
– Pagpigil sa testigo sa pagtestigo o pag-ulat sa krimen sa pamamagitan ng pagsuhol.
-Pagbago, pagsira, o pagtago sa dokumento para mapigilan ang imbestigasyon.
– Pag-harbor, pagtago, o pagtulong sa pagtakas ng isang criminal offender.
– Pagbigay ng mali o gawa-gawang impormasyon para mailigaw ang law enforcement sa imbestigasyon.
– Paghingi o pagtanggap ng suhol para hadlangan ang prosekusyon ng isang nagkasala.

Sa mga requirement na ito, masasabi kong swak na swak sina Cayetano, Padilla at Aplasca sa kanilang ginawa para makatakas sa kustodya kuno ng Senado si Bato.

Si Bato ay mayoong arrest warrant mula sa International Cro,inal Court (ICC) sa kinakaharap niyang kasong ‘Crimes against humanity’ kaugnay ng mga patayang nangari noong Chief PNP siya sa ilalim ni noo’y President Rody Duterte.

Si Duterte ay higit isang taon nang nakakulong ngayon sa ICC sa The Hague, Netherlands.

Noong Hulyo 11, inaaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) si Bato nang sumulpot ito sa Senado para magboto, mapatalsik sa liderato si Sen. Tito Sotto at mahalal si Alan Cayetano.

Nakalagpas sa mga kamay ng NBI si Bato nang makatakbo ito papasok sa session hall, kungsaan ‘di puedeng arestuhin ang Senador habang may ongoing session.

Nahalal ni Cayetano sa botong 13 out of 24 senators. Ang boto ni Bato ang nagpuwesto kay Cayetano bilang Senate President.

Kinausap ni Cayetano ang NBI at ang DILG para sa costudy kay Bato. Aprub!

Pero nang ianunsyo ng ICC ang arrest warrant ni Bato, dahilan para magpumilit na ang NBI at CIDG na kunin ang senador, gumawa ng “senaryo” ang grupo nina Cayetano Padilla at Aplasca.

Hulyo 13 ng gabi, nagkaroon ng pekeng barilan sa pamumuno ni Aplasca.

Hulyo 14 ng madaling araw, nahagip ng CCTV footage ang pagtakas ni Bato kasama si Padilla. Sumakay sila sa kotse ng huli palabas ng Senado.

Inamin ni Padilla isinakay niya sa kanyang kotse si Bato at ibinaba n’ya raw sa Makati City.

Simula noon wala nang narinig kay Bato. Wanted s’ya ngayon sa Interpol.

Sa Ombudsman na magpapaliwanag sina Padilla, Cayetano at Aplasca.

Subaybayan!