Advertisers

Advertisers

Liquor ban sa 2022 election ipapatupad ng Comelec

0 441

Advertisers

INILATAG na ng Commission on Elections (Comelec) ang mga bagong resolusyon kaugnay sa 2022 election.

Kabilang dito ang Resolution no. 10746 para sa “liquor ban” na epektibo mula May 8 hanggang sa araw ng eleksyon sa May 9, 2022.

Gayunman, sa nasabing resolusyon, ang mga hotels, resorts, restaurant at kahalintulad na ‘duly certified’ ng Department of Tourism (DoT) ay ‘exempted’.



Ayon sa Comelec, maaaring maghain ng aplikasyon para sa exemption sa NCR regional election director o provincial election supervisors at kapareho sa kani-kanilang lugar.

Sa panahon pa rin ng eleksyon ay paiiralin din ang “gun ban” o “firearms ban” batay sa Resolution no. 10728.

Bukod dito, inisyu rin ang Resolution no. 10741 na para sa pagkakaroon ng mga Comelec checkpoints, upang maging epektibo umano ang implementasyon ng gun ban.

Ipapatupad naman ang pagbabawal sa pagsasagawa ng “public works o infrastructure projects” batay naman sa Resolution no. 10747.

Ipagbabawal na rin ang release o paglalabas, disbursements o expenditures ng public funds.



Nakasaad din sa Resolution no. 10743, ang “deputization” ng mga tanggapan ng gobyerno, upang matiyak ang malaya, mapayapa, tapat at mapagkakatiwalang eleksyon.

Habang sa Resolution no. 10742, ipagbabawal na rin ang appointment o hiring ng mga bagong empleyado; pagbuo ng mga bagong posisyon; pagtaas sa sweldo; paglilipat ng civil service employees; at suspension ng elective local officials.

Makikita at mababasa naman ang kopya ng bawat resolusyon sa Comelec website. (Jocelyn Domenden)