Advertisers

Advertisers

Maglola patay sa araro ng Fortuner

0 404

Advertisers

PATAY ang maglola nang araruhin ng Toyota Fortuner habang tumatawid sa Kahabaan ng Centennial Road sa Barangay Magdalo Potol, Kawit Cavite, Miyerkoles ng madaling araw.

Kapwa hindi na umabot sa pagamutan ang mga biktimang sina Cecilia Calagos, 57 anyos, ng Jordan Estate, Brgy. San Antonio 1, Noveleta, Cavite; at apo nitong si James Mhorry, 9 .

Sa imbestigasyon ni PSSg Jason B Murcia, 4:50 ng madaling araw nang maganap ang insidente. Magkahawak kamay na tumatawid ang maglola nang suyurin sila ng SUV na Toyota Fortuner (WMI 407) na minamaneho ni Jose Bautista Jr., 46, ng Fort Bonitacio, Taguig City.



Sa tindi ng impact, tumilapon ang maglola ng ilang dipa at una ang ulo na lumagapak sa kalsada.

Inabot pa ng mahigit sa kalahating oras bago naitakbo sa Kawit Kalayaan Hospital ang mga biktima na idineklarang dead on arrival.

Nahaharap sa kasong Reckless Imprudence resulting to Double Homicide and Damage to properties si Bautista na kasalukuyang hawak ng pulisya. (Irine Gascon)