Advertisers

Advertisers

NDRRMC: 258 nasawi, 47 missing sa Bagyong Odette

0 316

Advertisers

UMABOT sa 258 katao ang napaulat na binawian ng buhay, 47 ang nawawala, at 568 naman ang sugatan ng dahil sa pananalasa ng Bagyong Odette, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Sa huling ulat ng NCRRMC, tanging 11 fatalities lamang ang kumpirmado kabilang na ang naitala sa Palawan, Iloilo, Guimaras, Negros Occidental, Bohol, Bukidnon, at Misamis Oriental.

Karamihan sa mga nasawi ay dahil sa pagkalunod at matapos na tamaan ng mga bumagsak na puno.



Kabuuang 2,196,432 indibidwal o 585,029 pamilya ang apektado ng bagyo sa 4,566 barangays.

Sa ngayon, 486,361 indibidwal o katumbas ng 122,575 families ang nananatili pa sa ngayon sa 2,535 evacuation centers, habang 123,341 indibidwal o 29,906 pamilya naman ang nakikisilong sa bahay ng kanilang mga kaanak o kaibigan.

Ayon sa NDRRMC, nasa 136,369 bahay ang napinsala, kung saan 83,633 dito ang partially damaged habang 52,736 naman ang totally damaged.

Nasa P1,152,834,160 naman ang halaga ng pinsalang iniwan ng Bagyong Odette sa sektor ng agrikultura at P2,537,507,000 naman sa mga imprastraktura.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">