Advertisers

Advertisers

YORME ISKO NAGHANDA NA VERSUS OMICRON

0 293

Advertisers

KAHIT abalang-abala sa paghahatid ng kahon-kahong pagkain, gamot, bitamina, generator set at tulong na salapi sa mga biktima ng bagong Odette, pinakilos na agad ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso ang lahat ng opisyal at tauhan ng siyudad sa posibleng pagdami ng magkakasakit sa Omicron COVID-19 variant.

Kasama si Manila Health Department director Dr. Arnold “Poks” Pangan at direktor ng anim na ospital ng lungsod at ng COVID-19 Field Hospital, inihanda na ni Yorme Isko ang mabilisang kilos sa paglaban sa nakahahawang COVID variant kung ito ay makapasok sa Maynila.

May tatlong kaso ng pagkahawa ng COVID-19 Omicron variant sa bansa, ayon sa Department of Health (DoH).



“Kailangang nakapaghanda na tayo… mayroon na tayong sapat na hospital beds and medicines. Lalo pang pinabibilis namin ang vaccination, pati ang booster shots sa mga nabigyan ng second dose,” sabi ni Isko.”

Sa mabilis na kilos ni Yorme, naitayo sa loob lamang ng 52 araw ang COVID-19 Field Hospital sa harap ng Quirino Grandstand na mayroong 344-kama para sa mga pasyente.

Pinalagyan na rin ng alkalde ng modernong kagamitan ang lahat ng ospital sa Maynila, kasama ang Sta. Ana Hospital na ngayon ay ginawang Infectious Disease Control Center na kumpleto para mapagaling ang mga pasyenteng nahawa ng COVID.

Malapit na ring buksan ang New Ospital ng Maynila na maikumkupara sa de-primera klaseng pribadong ospital sa Metro Manila, at tinatapos na rin ang pag-aayos ng lumang gusali ng ospital na gagawing College of Medicine ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila.

Bukod sa anim na ospital, itinatayo sa Baseco Compound sa Port Area ang President Corazon C. Aquino General Hospital.



Naghanda na rin ang siyudad ng sapat na dami ng suplay na gamot kontra COVID tulad ng Remdesivir and Tocilizumab, at ng nakaraang buwan, natanggap na ang unang order ng 40,000 kapsula ng Molnupiravir.

Kahit hindi residente ng Maynila ay tatanggaping pasyente sa anim na ospital ng siyudad, sabi ni Yorme Isko.

“‘Wag kayong mahihiya, niyayakap namin ang bawat tao sa loob at labas ng Lungsod ng Maynila. Hangga’t kaya ng supply namin, we can give anti-COVID medicines such as Remdesivir, Tocilizumab and Molnupiravir to patients needing those life-saving drugs,” sabi ng alkalde.

“Ginawa namin yan noon, at gagawin uli namin pag lumala ulit ang COVID situation natin,”sabi ni Yorme Isko.