Advertisers

Advertisers

5 patay sa ‘patatae’, pagsusuka sa Siargao

0 228

Advertisers

Limang indibidwal ang nasawi, habang 120 pa ang naka-confine sa Siargao District Hospital dahil sa diarrhea at vomiting outbreak sa Surigao del Norte, ayon kay Governor Francisco “Lalo” Matugas nitong Huwebes.

“Nagkaroon kami ngayon ng epidemic sa diarrhea at vomiting. ‘Yung maliit namin, ‘yung Siargao District Hospital is now overwhelmed mga 120 patients na nandiyan,” sabi ni Matugas.

Ani Matugas, nahihirapan sila sa pagkuha ng mga suplay ng maiinom na tubig dahil sa kakulangan sa mga bangka at barko na maghahatid ng relief goods mula Surigao City patungo sa Siargao.



Dahil wala pa ring kuryente sa isla, hindi rin umano makabalik sa operasyon ang water refilling stations. Dalawa lamang ang gumaganang istasyon subali’t hindi ito sapat para sa buong isla.

“We are expecting, hopefully by tomorrow, may hinihiram kaming LCT (landing craft tank) para makarga ‘yung mga bigas, canned goods, ‘yung drinking water—‘yun ang number one problem,” sabi ni Matugas.

Dahil sa dumaraming diarrhea at vomiting incidents, nanawagan dina ng gobernador para sa mga donasyong gamit at dextrose.

“‘Yung hospital namin ngayon, punong puno na ng pasyente. Kulang na kami ng medisina lalo na ng dextrose,” sabi ni Matugas.

Aniya, nasa 20,000 pamilya sa isla ang nangangailangan ng basic necessities, subali’t mabagal pa rin umano ang paghahatid ng mga suplay dahil sa limitadong transportasyon.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">