Advertisers
UMAKYAT na sa 378 ang bulang ng mga nasawi dahil sa pananalasa ng bagyong Odette sa Visayas at Mindanao.
Ito ang iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Ayon kay NDRRMC Spokesperson Mark Timbal, inaasahang lalaki pa ang bilang ng mga biktima dahil sa patuloy na validation na isinagawa ng mga otoridad.
Ang mga naitalang casualties ay mula sa Central Visayas partikular sa Cebu at Bohol.
Dagdag pa ni Timbal, nasa 742 katao ang sugatan habang 60 ang nawawala.
Nasa kabuuang 3.9 million ang apektado ng bagyong Odette.
Iniulat din ni Timbal na ilan sa mga kababayan natin ay nakabalik na sa kanilang mga bahay kaya nabawasan na ang bilang ng mga evacuation center na nasa 1,198 nalang ngayon.
Sa datos ng NDRRMC, 478,963 kabahayan ang nasira ng bagyo.
Tinatayang P16 billion ang halaga ng pinsala na naitala sa infrastructure, habang nasa P3 billion sa sektor ng agrikultura.