Advertisers

Advertisers

Anak ng bisita nanaksak

0 454

Advertisers

AGAW-BUHAY ang isang lalaki nang saksakin sa ulo ng 19-anyos na kaanak nang hindi magustuhan ng huli ang pakiusap ng una na huwag munang pauwiin ang nanay nito na bisita rin sa ginaganap na Christmas party sa Sitio Tanibong, Barangay Abart 1st, Nueva Ecija, noong bisperas ng Pasko.

Kinilala ng San Jose City Police ang biktima na si Boyet Montoya, 38 anyos, may-asawa ng nasabing lugar, na nagtamo ng saksak sa ulo at mga galos sa katawan.

Inaresto naman ng mismong mga kamag-anak ang salarin na si Angelo Pablo, construction worker at kapitbahay lang din ng biktima. Nakuha rin sa kanya ang ginamit na kutsilyo sa pananaksak.



Sa imbestigasyon, 8:30 ng gabi, sinusundo na ni Pablo ang kanyang ina na lasing na sa nasabing party sa bahay ng biktima.

Dahil dito, nilapitan ng biktima si Pablo saka niyakap at pinakiusapan na huwag na munang pauwiin ang kanyang nanay. Nairita umano si Pablo sa narinig kay Montoya kaya’t habang nakayakap sa kanya ang huli ay kanya itong sinaksak sa ulo.