Advertisers

Advertisers

Namumuro agad si Lopez sa Maynila

0 316

Advertisers

MALAYO paman ang eleksyon, limang buwan mula ngayon, ay matunog na matunog na ang pangalan ni Atty. Alex Lopez para sunod na mayor ng Maynila.

Sa mga reaksyon sa pagtatanong natin sa mga Manilenyo dito sa ating kolum kung sino ang gusto nila ma-ging kapalit pagkatapos ni “Yorme Isko” sa Mayo 2022, tatlong kandidato lang ang pinagpilian sa limang mayorables – Atty. Alex Lopez, Vice Mayor Honey Lacuna, Congressman Amado Bagatsing, retired Police General Elmer Jamias at ang anak ni late ex-mayor Fred Lim na si Cristy Lim.

Sa 105 na sumagot, 100 ay Lopez, 4 Lim at 1 Lacuna.



Magpapatuloy ang ating survey sa kolum na ito hanggang Dec. 31. Just text at 09193297810

Ang actual survey natin sa anim na distrito ng Maynila ay nagsimula ng Dec. 15 at matatapos sa Dec. 31. Target natin matanong ang at least 2,000 respondents sa buong Maynila. Abangan!



***

Sa mga nagtatanong kung sino si Atty. Alex Lopez, anak siya ni late ex-Mayor Mel Lopez at apo ng mahusay na awtor at mananaysay na si Honorio Lopez ng Tondo. Mister si Lopez ng may-ari ng Lyceum University (dating Lyceum of the Philippines) at Bayleaf Hotel sa loob ng Intramuros, Manila. Isa rin siyang maunlad na negosyan-te. Ang kanyang husay sa negosyo at talino sa batas ay matibay na requirements para lalo niya pa mapaunlad ang Maynila para makapantay o malagpasan ang income ng Quezon City at Makati City kungsaan Maynila ang dating No. 1.



Si Lopez ay kapatid ni Manila 1st District Congressman Manny Lopez at pinsan ni 2nd District ex-Congressman Carlo Lopez.

Pero ang the best rito kay Alex ay ang kanyang ugali. Napaka-humble at walang kahangin-hangin sa katawan ika. Mapagkakamalan mo siyang isang tambay sa kanto kapag nakakuwentuhan mo sa kalye. ‘Yan ang gusto natin sa isang lider, hindi feeling boss. Mismo!

Eh sino naman si Honey Lacuna? Anak siya ni dating Vice Mayor Danny Lacuna. Isa siyang duktora.

Si Bagatsing naman ay nagkatahid na sa politika. Founder siya ng Kabaka.

Samantalang si Jamias ay dating pulis at aktor na tinagu-riang “Barako ng Maynila”.

At si Cristy ay anak ng yumaong great mayor ng Maynila na si Alfredo Lim, isang retired Police Major General na naging NBI Director, DILG Secretary, Senador at na-ging mayor ng maraming taon.

Kayo? Sino sa kanilang lima ang napupusuan nyo para mamuno sa Maynila sa sunod na tatlong taon? Just text me, repapips!!!

***

Nitong nagdaang kapaskuhan ay sa Lubao, Pampanga ako nagtago, ehek! Nakakuwentuhan ko ang mga taga Lubao about sa napupusuan nilang kandidato sa pagka-Gobernador sa Mayo 20, 2022. Medyo alanganin magsisagot ang aking mga ka-tagayan. Takot sila magsalita. Pero sa tuno ng kanilang pananalita, gusto na nila magpalit ng mga lider, mula governor hanggang mayor.

Ang maglalaban sa pagka-gobernador sa Pampanga ay sina reelectionist Dennis Pineda alyas “Delta” at Engr. Baylon, dating alkalde ng Candava.

Si Dennis ay anak ng gambling lord na si Bong Pineda.

Malakas ang kutob ko na mabubuwag ni Baylon ang political dynasty ng Pineda sa Pampanga at mapatigil ang mga iligal na sugal sa lalawigan. Subaybayan!