Advertisers

Advertisers

BLOODY SUNDAY: 14 PATAY SA ARARO NG BUS SA PAMPANGA

0 510

Advertisers

LABING-APAT (14) ang nasawi at marami pa ang kritikal nang araruhin ng isang mini bus na nawalan ng preno sa national highway sa San Isidro, Lubao, Pampanga bandang 4:00 ng hapon nitong Linggo.

Ayon sa mga saksi, nag-aabang ng masasakyan ang mga biktima na papuntang San Fernando sa isang waiting shed sa may kanto ng Greenville Subdivision nang araruhin ng mini bus na Oster Liner mula sa Bataan.

Pumasok ang ilang biktima sa ilalim ng bus, at ang iba ay tumilapon sa gitna at gilid ng jalsada.



Kabilang sa mga biktima, na hindi pa nakukuha ang pagkakilanlan, ang mga bata na hawak-hawak pa ng kanilang mga magulang.

Ang bus ay nawasak din ang unahan dahil sa pagkasalpok sa poste ng kuryente.