Advertisers
ISANG mister na dumalo sa lamay ng kapitbahay ang pinaglalamayan narin matapos pagtatagain ng kainuman sa Barangay Tamban, Camarines Sur, Biyernes ng hapon.
Dead-on-the-spot bunsod ng tinamong malalalim na taga sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan ang biktima na kinilalang si Ferdinand Nidea Villacrusis, habang tinutugis na ang tumakas na salarin na si Christopher Barquilla Esuela, 46 anyos, binata.
Sa ulat, 3:00 ng hapon nag-iinuman ang dalawa sa bahay ng kabarangay na may pinaglalamayan. Nang malasing ang mga ito ay biglang nagtalo sa hindi malamang dahilan.
Makaraan ang pagtatalo, umuwi ang biktima, pero inabangan ni Esuela sa kalsada na armado na ng itak at hinabol ng taga.
Nang makorner, walang awang pinagtataga ang biktima na duguang humandusay sa kalsada.