Advertisers

Advertisers

DONASYON- MENTALIDAD TUWING KALAMIDAD

0 352

Advertisers

TUWING may parating o di inaasahang kalamidad sa bansa,balot na ng takot ang mga posibleng maapektuhan at mistulang nasadlak naman sa kawalan ang mga nabibiktima.

Pero sa panahon ng ganitong klase ng pighati ay may mga lihim.na natutuwa at nagsasamantala sa sitwasyon para sa kanilang sariling interes na walang pinipiling panahon.

Dahil sa aftermath ng delubyo ang mga buwitre ay maglilipana sa maskarang tutulong sa mga biktima para bumangon.



Biglang magiispark ang bombilya ng kaswitikan lalo na iyong mga politikong gagamitin ang dumaang ngitngit ng kalikasan para makalikom ng limpak na pera sa paraang paghingi ng donasyon para kuno sa nasalantang kababayan.

Bumabaha ang tulong mula sa mga mas mapalad na nilalang sa bansa maging sa ibayong dagat para sa makataong rason.



Alam ng mga nagaambag ng tulong materyal man o pinasiyal ay nakararating ang tulong direkta sa mga nasalanta.

Pero mas nananaig ang demonyong utak ng mga epalitikong buwang na buwitre na dinaanan ng donasyon maging iyong mula sa iba’t- ibang nasyon.



Ang isang kaban ng de kalidad na bigas ay makararating sa mga naapektuhan na isang salop ng inaamag na panlunas gutom pati na ang dapat na karne norte ay sardinas na lang pinagtitiyagaan habang ang pera para panggasta sa pagpatayo ng sisilungan o pambili ng medisina ay naibubulsa ng switik na politic na walang kilabot sa karmang aabot sa kanya balang araw.

Maraming super bagyo,pagputok ng bulkan,rebelyon,epidemya,pandemya at iba pang katastropiya ang dumaan sa bansa na bumundat sa tiyan ng mga suwapang at lalong nagpayaman sa mga gahaman sa ating lipunan .Ang pinakaklasik dito ay iyong daluyong ng Yolanda sa Kabisayaan noon kung saan ay di maipaliwanag kung kaninong bulsa napunta ang bilyong donasyon na nangyari noong maulap na administrasyon. Ang naging kabuktutan doon ay inanod na lang ng panahon at lista sa tubig na lamang ang kabayaran ng kaswitikan.

May ibang sektor ding ginagamit ang kalamidad para ang kanilang sariling komersiyo ang umunlad. Mayroon ngang mga media network ang laging handang tumanggap ng donasyon para sa mga nasasalanta pero nagtataka si wondering Juan na iilan lang ang ipinapalabas na ipinarating na tulong gayong ayon kay Pedrong Tabang ay sanrekwa ang ayuda pero halos alang umaabot kay vistm Buboy kaya pala lalong nagiging higante ang network kaya hayun naghigante ang karma sa kanila.

Kaya dapat itong tandaan ng ibang alagad ng impormasyon kuno na huwag masyadong pairalin ang donasyong mentalidad sa panahon ng kalamidad.

May isang mataas na opisyal ng bansa na laging pumapapel tuwing may bagyo na laging pasikat sa kanyang pagtulong daw on the ground pero laging may kabuntot na media at nakapagtatakang siya ang ibinibida ng mga biased network kahit inilatag na ng kasalukuyang Pangulo at Commander-in-Chief ang lahat nang dapat gawin para paghandaan ang sa panganib na parating.

Pati ang nakaraan bagyong Odette ay di pinalagpas ng epal na pinklawang ginagamit sa kanyang kampaya ang fake na malasakit sa kawawang kababayan..

Ang siste kung sino ang pasiklab tulad niya kumpara sa ibang presidentiables ay siya naman ang walang naitulong kundi panggulo sa lang sa sitwasyon ng babaeng utak- donasyon.

May pandagdag nang pondong donasyon sa kanyang walang panalong laban..lagot si hangal sa karma ng balota sa halalan… ABANGAN!!