Advertisers
Malaki ang pag-asa ni Alex Eala na makaginto sa isinasagawang Asian Games sa Nagoya.
Tinatayang magkakamedalya siya sa Japan dahil yung ibang magagaling ay nasa China kung saan may kasabay na WTA na torneo. Ang 21 años na dalaga ang top seed kasi siya ang may highest WTA ranking sa mga kalahok.
Sa palagay nga ni Tata Selo ay mahina ang tanso kay Alex.
Ginawan pa ng paraan para mapanood natin sa Pinas ang kanyang mga laban. Di kasali kasi sa orihinal na plano.
Sa katunayan ay nagdagdag ng bayad ang Cignal TV upang maere ang mga match Sinasabing isang milyong piso ang inilabas pa ng official broadcaster ng Asiad.
Ngayong wala na Gilas tiyak ito ang panonoorin ng ating mga kababayan.
***
Narito pa ang ibang kwento ni Rafael “Paeng”” Nepomuceno sa programang OKS noong isang Lunes.
Nang unang sumubok si Paeng na mag-bowling ay naka-score lang siya ng 67. Napakababa.
May cross-taining ang ating 4x World Cup champ. Ito ay pagbubuhat ng weights. Maganda raw ma-develop ang ating katawan para sa napiling sport.
Tatlo naging anak nila ni Pinky Puyat. Isang lalake na ngalan ay Rafael Jose. Sa Hawaii na siya naninirahan. Noon ay pinalista at personal na sinamahan sa Alaska Power Camp nina Coach Tim Cone at Jojo Lastimosa.
Sumunod ay dalawang babae na sina Saira Margarita at Isabel Angela.
Ang mga bowling lane ni Paeng ay matatagpuan sa Robinson’s Manila, Robinson’s Imus, Gateway Mall-QC, Festival Mall- Alabang at sa Eastwood.
May bilyaran din sa mga nabanggit na bowlingan. Siyempre may masarap din na Magoo’s Pizza na makakain.
***
Malapit na opening ng bagong season ng NBA. Sa ika-20 ng Oktubre ang first game. Sa ika-4 naman ng susunod na buwan ang unang laro ng pre-season.
Ang opisyal na NBA league pass ay aabot sa halagang P3k. Hanggang finals na ito.
Nguni’t may mga nag-aalok na mga “enterprising” na mga kababayan sa mas mababang P450 lang.
Nasubukan na ito ni Pepeng Kirat noong isang taon kaya kukuha siyang muli.