Advertisers

Advertisers

PACMAN BABAYARAN NA ANG BOXING MURAL PAINTING NG UPPERCUT

0 7

Advertisers

BIBIGWAS na ang korner na ito ng advance na pagbati ng maligayang kaarawan kay boxing icon idol ng bayan at mundong si PACMAN.

Kabahagi ng aking adbokasiya ay ang i-share ang aking GOD-given talent na pagdidibuho, pagpipinta sa canvass at mural, landscape, portraiture, caricature maging commercial arts na silk screen printing, signpainting, lettering at guhit-kamay bilang isang alagad ng sining partikular para sa mga bata.

Sa isang arts clinic na isinagawa ko para sa Tarlacqueño kids at iba pang lunan sa kanayunan, tinuruan kong magpinta ng mural ang mga batang mahilig at may talento sa sining nang libre.



Sports mural ang aming subject sa isang wall ng gusali.

Ang sentro ng piyesa ay si Pambansang Kamao, 8-division world champion Manny ‘Pacman Pacquiao kaya enjoy ang mga piling batang painters sa kanilang dinrowing na sports idol.



Op kors ako ang pampinale at finishing touches sa natuang mural.

Ang ganda ng resulta ng painting na pinagtulungang ipinta ng mga talentadong mga bata sa aking kumpas at timon.



Sa isinagawang press conference ng inilunsad na MPVL( volleyball league) na taon na rin ang nakaraan kung sàan ay espesyal na panauhin si Pacman.matapos ang presscon ay ipinakita ko sa kanya thru my cellphone camera pic ang naturang painting na siya ang bidang -bida.

Humanga siya at nagustuhan ang obra kaya humiling siya sa akin na igawa siya ng ganung piyesa para sa kanyang koleksiyon ng sining.

Inatasan niya ang kanyang tao na si Cris na makipag-ugnayan sa akin para sa nasabing mural.

Kahit walang advance payment ay pinatuloy ni Cris ang mural kaya ginawa ko na ang obra.

Natapos ang painting ay di ko na makontak si Cris para maideliver ko na sana.

Hanggang sa kasalukuyan ay nakatengga itò at inaantay ko na magkita na lang kami uli ni champ Pacman.

Malaking bagay at makatutulong sa aking adbokasiya ito kapag nabayaran ni Pacman ang aking obra maestra.Marunong namang magbàyad ang Pinoy pride,boxing icon,cager, chess and darts player,pool shark- public servant at arts enthusiast Manny ‘Pacman Pacquiao di ba champ Kap Marlon ‘Marvelòus Manalo? MISMO!

See you at GenSan Chess Festival…

ABANGAN!

Lowcut: LARRY BIRD SA BIMP EAGA. Magmula sa Laro’t Saya ng PSC( pre- pandemya) nagsimula ang friendship pakner ni DocLarry at Tolayts Bigbird hanggang ngayon sa paparating na BIMP EAGA( Brunei- Indonesia – Malaysia-Philippines) Friendship Games sa Kota Kinabalu, Sabah, Malaysia ay solid ang teamwork nila ni PSC hepe ng Ph contingent ( Palawan,Gensan,BARMM) DokLar at sportsmediaman Tolayts.Hurray Team LARRYBIRD!