Advertisers

Advertisers

Ubas pasok sa Asiad men’s long jump final

0 16

Advertisers

NAABOT ng veteranong si Janry Ubas ang final ng men’s long jump sa Aichi-Nagoya Asian Games noong Linggo.

Ang 2023 Cambodia Southeast Asian Games gold medalist ay nakalundag ng 7.59 metro sa kanyang pangalawang subok sa Mizuho Park Stadium, na nagtapos sa ikawalong pwesto sa kabuuang 12 finalista.

Pinangunahan ni Anvar Anvarov ng Uzbekistan ang qualifiers sa 8.00 metro.



“Sobrang happy kasi na-hit agad ang qualifying standard. Sobrang lakas talaga, parang final na. ‘Yung iba na magagaling, nahirapan din (I’m so happy because I hit the qualifying standard right away. The competition is really strong, it already felt like the finals. Even some of the top athletes struggled),” wika ng 32-year-old Ubas,na nagmula sa Misamis Oriental.

Sa 2023 Hangzhou Games,pangatlo si Ubas sa qualification round,pero nagtapos seventh overall.



“Feeling ko may natira pa akong lakas at mag-iimprove pa sa final. Focus lang, huwag ma-pressure, tiwala lang sa training. Lahat naman naghanda (I feel like I still have energy left to improve in the final. I just need to focus, avoid the pressure, and trust my training. Everyone came prepared),”anya.

“Gusto ko talaga maka-produce ng medalya kasi pang-third time ko na ito. Next time, 36 or 37 na ako (I really want to produce a medal because this is already my third time here. By the next edition, I will already be 36 or 37 years old).”



Kinuha ni Ubas ang bronze medal sa heptathlon sa 2023 Asian Indoor Athletics Championships sa Kazakhstan, na nagtala ng pambansang rekord na 5,246 puntos. Naitala rin niya ang bagong pambansang rekord sa long jump na 7.85m.