Advertisers

Advertisers

UTAK TALANGKA, PULBURON AT PAURONG!

0 17

Advertisers

NAPAPAHIYA lagi ang Pinoy sa mga dayuhang yaot-parito sa Pilipinas.

Hamakin n’yo bang ang lahat ng bansa sa mundo ay tahak ang direksyong asenso lalo na sa pagiging moderno ng kagamitan at kabuhayan.

Biruin ba namang iparada sa nakaraan Asean Summit at ipagmalaki sa mga lider nasyon at sa mata ng mundo ang tri- bike sakay ang mga pinuno ng ahensiya ng kasalukuyang administration.



SA ibang bansa ay pamodernuhan ng sasakyan ang ibinabandera habang dito sa Pinas ay paurong ng tatrogurong( 3-wheels) ang ikinakaway na nakahihiyang tunay.

Di naman iyan bahagi ng kultura na ipipreserba tulad ng pagsasayaw ng mga igorot at Aetas kundi isang paurong na dulot ng teknolohiyang ipinakmalaki pa ng administrasyon



Kaya nga me eksena sa isang mall sa Tate kung saan ay nagtatanong ang isang lahing puti sa isang liping kayumanggi kung meron nang escalator sa atin. Bunga ito ng maling tourism ads ng mga utak paurong na kawani ng gobyerno. ( Hangga ngayon nga ay may bumibyaheng karag- karag na ordinary bus sa business district ng Makati).

Onli in da Pilipins na naghihilahan pbaba bawat Isa para di makarating sa tuktok at utak pulburon na kapag ka laban ka ay sabog ang powder sa basyo ng nasa poder.NASYONG WALANG INOBASYON!



***

NAAP EMPLOYEES NAGPUGAY SA CHED HEAD

NAGPAABOT ng pasasalamat ang mga konsernadong kawani ng National Aviation Academy of the Philippines( NAAP) dahil sa napapanahong pagsalba ng pinuno ng kumisyunado at NAAP Board of Trustees sa kanilang natenggang sahod at bonus mula sa sistema ng dating PHILSCA.

Tagal kasi nang delay ng kanilang suweldo at inaantay na bonus na nauudlot dahil sa sigalot na dulot sa aspeto ng lideratong may kinalaman sa usaping legal.

Anila ay tinulugan ng NAAP leadership ang mga kaukulang sahod, year end bonus at cash gift partikular ng teaching force at manggagawa na dumanas ng masamang epekto sa kanila at pamilya na dapat lang ay may managot. Hanap nila ay hustisya sa pangyayaringbdi di naman sila dapat madamay.

Mabuti na lang ay to the rescue ang magiting na lider ng Commission on Higher Education ( CHED) na si Commissioner Michelle Aguilar Ong at ang NAAP Board of Trustees upang matugunan ang agarang panawagan.

Apektado rin pala ng todo ang mga ka waning kontraktwal na tanging sahod ang inaasahan ng kanilang pamilya.

Nagpupugay ang korner na ito Kay Comm. ONG at Board sa dagliang aksyon upang mas namayani ang makataong aksyon kesa tigas ng kalooban ng nasa ere ng pamunuan. NAAPektuhan ng todo ang mga manggagawa Kaya NAAPapanahon ang aksyon.. ONG galing ninyo Comm. ONG!