Advertisers

Advertisers

Pahalik sa Pista ng Nazareno ipagpaliban muli

0 216

Advertisers

HINDI muli magkakaroon ng “pahalik” sa Pista ng Itim na Nazareno gayong hindi pa rin tuluyang nawawala ang banta ng COVID-19 pandemic.

Sinabi ni Fr. Douglas Badong, ang parochial vicar ng Minor Basilica of the Black Nazarene o mas kilala bilang Quiapo Church, ang mga deboto na nais makita ang imahe ng Poong Itim na Nazareno ay maaring bumisita sa Sta. Cruz Church.

Sa naturang simbahan kasi aniya ilalagay ang nasabing imahe sa loob ng anim na araw.



Malaki rin aniya ang Sta. Cruz Church kaya kaya nitong makapag-accommodate ng maraming tao.

Ang tradisyon nang pahalik ay kinansela rin noong nakaraang taon.

Ang kanselasyon sa tradisyon na ito ay isa lamang sa mga pagbabagong ginagawa muna ng Quiapo Church para matiyak na rin ang kaligtasan ng lahat sa harap ng pandemya.