Advertisers

Advertisers

Pulis patay sa ambush at sasakyan grinanada

0 385

Advertisers

ATAY sa pananambang ang isang kasapi ng PNP Region 12 sa bayan ng Tantangan, South Cotabato kasabay ng selebrasyon ng Christmas Eve.

Kinilala ni Police Captain Reyjune Bagaman ang biktima na si Patrolman Mangued Mangabpel Salumandeg, 28 anyos, kasapi ng accounting service unit ng Police Regional Office-12 na naka-base sa General Santos City.

Nabatid sa imbestigasyon ng Tantangan PNP na naka-uniporme pa si Salumandeg nang tambangan ng hindi pa nakikilalang mga salarin habang patungo ito sa Tantangan Municipal Police Station sakay ng kanyang motorsiklo.



Inaalam pa kung may kaugnayan sa trabaho ang motibo sa pagpaslang kay Salumandeg.

Samantala, kasabay din ng selebrasyon ng Pasko, isang sasakyan ang hinagisan ng granada habang nasa gilid ng national highway.

Batay sa pulisya, isa sa dalawang lalaking sakay ng motorsiklo ang naghagis ng granada sa pulang Mitsubushi pick-up truck na nakaparada at mabilis na tumakas palayo.

Hindi sigurado ang mga pulis kung may kinalaman ang paghahagis ng granada sa pagpaslang kay Salumandeg.

Napag-alaman na nagkakasayahan at nagpapaputok ng firecrackers ang mga residente nang mangyari ang paghagis ng granada. Mabuti na lamang at walang nasugatan ngunit nasira ang bahagi ng sasakyan.



Naglaan ng kalahating milyong piso ang may-ari ng sasakyan sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa may kagagawan ng insidente.