Advertisers
BUTUAN CITY – Labis na kalungkutan ang sumalubong sa isang ina nang pugutan ng ulo ng asawa ang kanilang anak sa Purok 1, Malpoc, Buenavista, Agusan del Norte.
Sa ulat, nangyari ang krimen 2:30 ng tanghali sa mismong araw ng Pasko kungsaan wala ang ina ng siyam na taon gulang na biktima.
Kinilala ang salarin na si William Pableo Bicong, isang karpintero na may diperensya sa pag-iisip.
Ayon kay Remelyn Bicong, ina ng biktima, nagmamadali siyang umuwi sa kanila mula sa Cagayan de Oro City nang magbanta ang asawa na papatayin ang kanilang mga anak.
Pag-amin nito, balisa na si William ilang araw bago gawin ang krimen at mayroon nang hindi magandang kasaysayan sa una nilang pagsasama pero hindi naman ito umaabot sa pisikalan.
Napakabait naman aniya ng kanyang mister at mahal na mahal nito ang anak na may “special needs” kaya hindi lubos akalain na magagawa ang krimen.
Nagsimula aniyang mag-iba ang kondisyon ng kanyang mister 10 taon na ang nakakaraan noong nagtatrabaho pa ito sa Cebu kungsaan madalas itong malipasan ng gutom at maraming problemang iniisip.
Narekober sa posisyon ni William ang mahaba at matalim na itak na ginamit sa pagpugot ng ulo ng anak nilang babae.
Sa ngayon, nasa ospital si William habang nagpapagaling nang tagain din nito ang sarili pagkatapos ng krimen.