Advertisers
DALAWA katao ang nasawi nang masagasaan ng pampasaherong bus sa kahabaan ng Quirino highway sa Tagkawayan, Quezon nitong Martes.
Kinilala ang dalawang biktima na sina Jacobo Magdamit, 65 anyos; at isang babae na kinilala sa alyas ‘Tess Perida’ na nasa 40-anyos.
Ayon sa ulat, tatawid sa kalsada ang dalawa nang masagasaan ng Dongfeng Bragais bus na biyaheng pa-Maynila 11:30 ng gabi.
Dead on the spot ang dalawang biktima.
Sumuko naman sa mga pulis ang tsuper ng bus na si Michael Baraero, at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in double homicide.