Advertisers

Advertisers

2 NPA napatay sa Sorsogon kilala na

0 260

Advertisers

SORSOGON CITY – Nakilala na ang dalawang nasawi na miyembro ng rebeldeng grupong New People’s Army sa pinakahuling engkwentro sa pagitan ng tropa ng gobyerno sa Sorsogon city.

Kinilala ang mga nasawi na sina Leonor Chija alias Lyn, ng Brgy Gate, Bulan; at Romy Frago alias Nanding, ng Brgy. Dolos ng parehong bayan.

Sa ulat, nangyari ang engkwentro 8:40 ng umaga noong araw ng Pasko sa Brgy. San Ramon. Iniwanan sina Chija at Frago ng kanilang kasamahan nang tamaan ng bala mula sa tropa ng pamahalaan.



Narekober sa tabi ng mga bangkay at sa pinangyarihan ng engkwentro ang 3 M16 rifle, anti-personnel mine (APM), mga subersibong dokumentos at personal na gamit ng mga rebelde.

Sa pahayag ng Phil Army, aabot sa 20 rebelde ang nakasagupa ng tropa ng Alpha Company ng 31st Infantry Battalion katuwang ang 1PMFC ng Sorsogon PNP at ng Barcelona Municipal Police Station. Ang mga ito umano pawang miyembro ng Komite Probinsyal 3 sa ilalim ng pamumuno ni Arnel Estiller alias Ka Mando.

Nagpapatuloy ang maigting na Internal Security Operations ng Phil Army at PNP sa lalawigan, hindi lang dahil sa katatapos na anibersaryo ng NPA kundi maging sa patuloy na selebrasyon ng Pasko, at magpapatuloy pa sa nalalapit na pagsalubong ng Bagong Taon.