Advertisers
INILAGAY sa granular lockdown ang tatlong lugar sa lungsod ng Maynila dahil sa pagtaas ng kaso ng Covid-19.
Ayon sa Mania Police District, tatlong bahay ang inilagay sa lockdown.
Base kasi sa datus ng Maynila, ang Tondo ang may pinakamataas na kaso ng Covid-19 na sinundan ng San Andres, Pandacan at Sampaloc.
Sa pinakahuling datus, mayroong 120 bagong kaso ang lungsod na nagdadala sa kabuuang 90,729 ang gumaling, habang mayroong 1,768 ang nasawi.
Aabot naman sa kabuuang 92,617 ang Covid-19 cases ang naitala sa lungsod ng Maynila.